Rochelle Pangilinan talks about new inspiration

chsm4Hindi pa rin matatawaran ang patuloy na pagsikat ng SexBomb dancer na si Rochelle Pangilinan. Pagdating sa lovelife aminado ang dalaga na may bago siyang inspirasyon. Bukod dyan may bagong season ang Daisy Siete na “Adam and Eve”.

Sa ulat ni entertainment reporter Lhar Santiago, sinabi nito na tatlo ang magiging leading men ni Rochelle sa bagong season ng Daisy Siete na kuwento tungkol sa kambal na lalaki at babae.

Ipakikilala rin dito ang grupo ng “mystery” women na hindi miyembro ng sikat na dance group.

Dahil puspusan ang taping, wala pa raw plano si Rochelle kung saan magbabakasyon ngayong Holy Week. Aminado siya na hanggang ngayon ay naiisip pa rin niya ang gulong kinasangkutan nila sa Boracay noong nakaraang taon.

“Kapag nasa public ka masyadong mainit ang mata ng tao, mas maganda pa yata na mag-stay na lang sa bahay,” pahayag niya sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Miyerkules.

Tungkol naman sa kanyang love life, totoo bang sila na ng Kapuso hunk na si Arthur Solinap?

“Basta masaya ako, masaya ako sa lahat,” natatawang tugon ni Rochelle.

Comments are closed.