Teen star Joshua Dionisio wants to be a chiropractor someday

chsmBukod sa pagiging artista, gusto pala ng teen star na si Joshua Dioniso na maging isang chiropractor.

“Kakaiba po kasi,” sabi ni Joshua nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kamakailan. Ayon kay Joshua, nagpapa-chiro raw ang kanyang buong pamilya.

“Para lang po sa alignment ng spine. Lahat po kasi ng tao, puwedeng magkaroon ng diperensiya sa spine. Hindi naman po talaga disalignment, halimbawa po natumba ka or nadapa ka, may mga part po na… Meron po talaga na mga vertebra na minsan na nadi-disalign,” saad ni Joshua na tila bihasa na sa medical terms na may kaugnay sa iba’t ibang bahagi ng ating buto.

Kailan nagsimula ang interes ni Joshua sa chiropractic?

“Nag-umpisa po ‘yan sa school,” sagot ng First Time star. “Nung nag-aaral ako, pinag-aralan po namin yung iba’t ibang klase ng trabaho. Pinag-aralan namin yung mga ginagawa ng pilot, ng doctor, at na-amaze po ako sa chiropractor.

“So nung napag-aralan ko yun, naisip ko na gusto kong maging chiropractor. Tapos nalaman ko na marami palang chiropractor dito sa Pilipinas. Tapos po, nagpa-chiropractor kaming buong pamilya, maraming beses na po.”

Dagdag niya, “Gusto naming i-try, e, masarap po pala. Tsaka dati po, pag lumilingon ako, yung biglang lingon, parang may tumutunog sa may leeg ko. Ngayon, wala na po.”

Wala naman daw nakitang diperensiya sa spine ni Joshua.

“Sa akin po, wala po, pero kay papa po meron. Maganda po kasi na habang bata pa, nagpapa-chiro na ako para madiretso ang spine ko,” sabi ng 15-year-old actor.

Comments are closed.