Dennis Trillo on whether he’s serious with Jennylyn Mercado: “Well, hindi kami naglalaro.”

Dennis Trillo and Jennylyn Mercado“Yes, we are exclusively dating.” pag-amin nina Dennis Trillo at Jennylyn  Mercado sa isang article na lumabas sa PEP.ph noong Biyernes April 9.

Pabiro nilang sinagot ang mga tanong sa kanila sa Startalk noong Sabado, April 10 tungkol sa mga pangyayari sa Hong Kong kunsaan nakunan sila ng litrato ng  magkaT-holding hands noong Holy Week.

Tanong ni Butch Francisco, may kahulugan ba raw yun?

“Depende, depende naman,” sagot ni Dennis na nakangiti. “Ikaw?” nangingiting tanong niya kay Jen.

“Wala naman, siyempre. Nung time na yun, dalawa kaming naglalakad.  Siyempre, inaalalayan niya ‘ko,” nakangiting sabi ni Jen.

Sagot naman ni Dennis, “Siyempre, nasa ibang bansa kami, baka mawala siya.”

Natatawang hirit ni Jen, “Baka mam’ya madukot ako dun!”

Sa hiwalay na interview ng Startalk kay Dennis, tinanong siya kung nililigawan ba niya si Jennylyn.

“Kailangan pa bang tanungin ‘yan? Pambihira naman… isa sa proseso,” nakangiting sabi ng actor.

Nang si Jennylyn naman ang tanungin, “Kumbaga, special siya sa akin… nag-e-enjoy lang kami.”

Tanong pa rin ng Startalk kay Dennis, seryoso ba ito kay Jennylyn?

“Well, hindi kami naglalaro.”

Ayon sa kanila, kasalukuyang nasa courtship stage daw sila, kahit na may lumalabas na blind item na nag check-in daw sila sa isang hotel.

Sagot ni Dennis, “Hindi ko na aanuhin yung mga detalye. Pero alam mo yun, hindi naman, I mean, hindi totoo yun. Natiyempuhan lang siguro ng kumuha ng litrato, pero, may mga iba kaming kasama.”

Ayon sa dalawa, anim daw silang magkakaibigan na pumunta sa Hong Kong.

Sey naman ni Jennylyn, “Well, magkasama kaming namamasyal, pero, hindi naman yung magkasama na iniisip nila na hindi maganda.”

Dugtong pa niya, “Kasama naman namin ang mga friends namin. Hindi lang kami. May mga friends din kami. Nang makuhanan kami, nagkataon lang na dalawa lang kami.”

Nakausap din ng Startalk ang editor-in-chief ng tabloid website kung saan lumabas and mga  litrato  ng  dalawa sa Hong Kong, at ang sabi niya “Dalawa lang sila. Maninindigan yung source ko.”

Comments are closed.