It’s Showtime: ABS-CBN’s Newest Noontime Show

Showtime hosts Anne Curtis, Vhong Navarro, Karylle, Billy Crawford, Vice Ganda, Kuya Kim Atienza, Juggy Jugueta, and Teddy Corpus bid goodbye to the “madlang people” in their January 28 episode but after a week, just like in Randy Santiago’s statement, the group will be bringing smiles again to fans as they replace Happy Yipee Yehey in ABS-CBN’s noontime slot. Another good news is that “hurados” Jhong Hilario, Ryan Bang, and Coleen Garcia will be joining them as regular hosts of the show.

ABS-CBN Corporate Communication had a press release regarding its new noontime show.

“Pagkatapos ng dalawang taong pagiging isang paboritong kapamilya sa umaga, ang It’s Showtime ay ang pinakabagong programa sa tanghali sa ABS-CBN Channel 2 simula sa Lunes, February 6, 2012.

Ang It’s Showtime ay  pangugunahan nila Vhong Navarro, Anne Curtis, Billy Crawford, Karylle, ‘Kuya’ Kim Atienza, Teddy Corpuz, Jugs Jugueta at Vice Ganda. Ang kanilang malalim na pagkakaibigan at pinagsanib na talento at sense of humor ay nakapagbigay ng walang tigil na saya sa mga kapamilya. Sasali bilang mga bagong miyembro ng show sina dance master Jhong Hilario, at ang mga paboritong ex-hurados na sina Ryan Bang at Coleen Garcia.

Sama-sama, maghahatid sila ng bago at mas kapanapanabik na palabas na puno ng sorpresa at  iba’t ibang segments na tiyak na kagigiliwan ng mga manunood.

Ang ABS-CBN ay nagpapasalamat sa ‘madlang people,’ dito sa Pilipinas at sa buong mundo sa kanilang suporta sa Showtime at sa mga hosts nito sa dalawang taong pagbibigay ng saya at pag-asa sa umaga. Iniimbita ng kapamilya network ang mga manunood na ipagpatuloy nila ang walang sawang pagtangkilik sa Showtime paglipat nito sa tanghali, Lunes hanggang Sabado simula sa February 6.”

Comments are closed.