Andi Eigenmann Will Act Opposite Gabby Concepcion, Iza Calzado, And Jake Cuenca In Upcoming Teleserye

It’s been a long time since Andi Eigenmann leaved the showbiz industry because of the very controversial pregnancy that she faced in her personal life.

The last teleserye of her (Andi) was the Minsan lang kita iibigin together with Coco Martin last year. And now this 2012 abs-cbn will air the new upcoming teleserye of Andi, together with Jake Cuenca, Gabby Concepcion and Iza Calzado entitled the television series “Kahit Puso’y sinugatan”.

Last May 07 this year Andy was interviewed by PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) about her character in this upcoming teleserye of her.

“After a long time nagbabalik teleserye ka. Anong pakiramdam mo ngayon sa pagbabalik mo?”

“Siyempre, sobrang sobrang sobrang sobrang excited ko na talaga. Matagal-tagal din akong naghintay. Alam kong everybody knows na eto lang po talaga yung hinihintay ko. Siyempre, ini enjoy ko ang pagiging nanay ko, I have Ellie with me and I spend my time with her, pero yung pagbabalik trabaho ko po ay para sa kanya rin, ayun kaya I’m excited.”

“Ano ang aabangan ng tao sa bagong role na gagampanan mo sa teleseryeng ito?”

“In a way, kaabang abang talaga yung role ko rito, kasi first time na kakaiba yung gagampanan ko ngayon dito kumpara sa ibang teleseryeng ginampanan ko. Ibang iba talaga ito, mas mature yung role ko rito, mas daring, mas sexy. Feeling ko sa teleseryeng ito, lalabas na talaga yung pagiging ‘woman’ ko rito. Like, yung age ko rito ay 21 years old na talaga, hindi yung parang pinababata pa yung role ko.”

“Ano ang pakiramdam mo na makakatrabaho mo sina Iza Calzado, Jake Cuenca at Gabby Concepcion?”

“Siyempre masaya po. Alam kong pagdating sa set, pagdating sa taping, magiging masaya yung taping namin na yun. Kasi maliit pa lang ako kilala na ako nina Direk Lauren Dyogi especially Direk Wenn Deramas. Inaalagaan pa niya [referring to Direk Wenn] ako nung bata pa ako pag may taping si mommy [referring to Jaclyn Jose]. Jake is a really really good friend of mine, medyo kakilala ko na rin si Ate Iza and Tito Gabby is a good friend of my Dad, so sobrang gaan, kasi feeling ko yung mga kasama ko rito tunay na Kapamilya or kaibigan ng pamilya ko.”

“Anong role mo sa teleseryeng ito?”

“Basically,yung karakter ko rito, isang bibong babae na medyo aggressive, daring, strong willed, isang ulila po ako at pulubi. Kasama ko si Ate Iza na itinuring ko na ring parang kapatid, pero nagkahiwalay po kami, napunta ako sa isang well off na pamilya, inampon po ako ni Tito Gabby. Nung nagkahiwalay kami ni Ate Iza, makikita n’yo rito yung selfishness ko rito, spoiled kasi parang nung bata nga ako na deprived sa kin yung pagmamahal.”

“Gaano ka daring ang karakter mo rito?”

“Hindi ko masabi sa ngayon, kasi di pa kami nagte taping, pero yun yung aabangan nating lahat.”

Ibig sabihin ba nito na tuloy tuloy na yung paggawa mo ng ganitong klaseng role–yung pagiging daring?

“I consider myself as an actress, di ko kailangan i-limit kung ano ang pwede kong gawin sa career ko, mas gusto ko yung iba ibang karakter at mga challenging roles. Gusto ko yung iba-ibang Andi yung ipapakita ko. Hindi naman ibig sabihin na nag daring na ako ay tuluy-tuloy na yun.”

Comments are closed.