Archive for markmanalang

Angelica Panganiban and Derek Ramsay reconcile three weeks after their breakup

derangel

May lumabas na report ngayong araw, March 3, sa isang daily broadsheet na nag-break na raw sina Angelica Panganiban at Derek Ramsay.

Three weeks ago raw nangyari ang breakup nila. Ayon pa sa balita, dahil sa pagiging “selosa” raw ni Angelica ang dahilan ng paghihiwalay ng magkasintahan at walang third party involved.

Napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) mula sa isang source, who is very close to both Angelica and Derek, na totoong nag-break ang dalawa. Pero ayon sa aming source, nagkabalikan din agad sina Angelica at Derek.

Kagabi, March 2, lang daw nangyari ang reconciliation sa pagitan ng magkasintahan. Ibig sabihin nito, naayos agad kung anuman ang hindi nila pagkakaunawaan.

More than three years na ang relasyon nina Angelica at Derek, na parehong may primetime soaps ngayon sa ABS-CBN. Si Angelica ay nasa Rubi samantalang si Derek naman ay nasa Habang May Buhay.

Gerald Anderson’s advice to PBB Double Up Big Five: “Mag-focus sila, tiis, at mag-adjust.”

geraldGerald Anderson is one of the former Pinoy Big Brother housemates who made it really big in showbiz.

Almost four years after he got out from Big Brother’s house as one of the housemates of the first Teen Edition, Gerald has already achieved a lot in show business. From playing supporting roles in his early years in showbiz, Gerald became a lead actor in several projects, including the hit TV series Tayong Dalawa (2009) and his recent movie with Kim Chiu titled Paano Na Kaya (2010).

Gerald is also considered one of the most in-demand product endorsers. Among these are Bench clothing line, Smart, Enervon, Fit n Right, Unisilver, Clear, Dermablend, and even the American satellite TV DirecTV.

Gerald’s hard work has gained him several investments, including the house that is featured in the March issue of YES! magazine.

The young actor says he wouldn’t have gone this far if he had not taken his job seriously. And this is what he would advise the Big Five of the recently concluded PBB Double Up—Melissa Cantiveros, Paul Jake Castillo, Tibo Jumalon, Jason Francisco, and Johan Santos.

“Sa Big Five, kung gusto nila ang ginagawa nila at mas masaya talaga dito sa showbiz, ano lang, tiis lang at mag-adjust. Kasi sayang, e, sobrang sikat din [sila], di ba? Lahat sila, actually, may future, so sayang. Kumbaga sa dami-rami ng nag-audition, sila ang [naging] Big Five, sila ang mas sikat ngayon, so sayang.”

He also warned them about the intrigues that they may face once they joined show business.

“Siyempre, kung normal na tao ka, hindi ka sanay sa ganito, mabibigla ka,” said the 20-year-old actor.

He added, “‘Tapos mamaya may sasabihin sa ‘yo, ‘May nabasa ako, totoo ba ito?’  Siyempre, kung baguhan ka, paglabas mo ng bahay mo, talagang maraming nakakakilala sa ‘yo, nakakabigla.”

Jaya finally lives out her dream of acting in a soap opera

jaya

Natupad na ang pangarap ng Queen of Soul na si Jaya na umarte at makasama sa isang soap opera. Ito ay sa pamamagitan ng pinakaunang “kantaserye” ng GMA-7, ang Diva, na pinagbibidahan ni Regine Velasquez.

“Eto na nga! Artista na, masaya! Masaya ang aming soap!” tuwang-tuwang bungad ni Jaya. “Finally, nakasali ako. Easy siya kasi kasama ko si Regine. So, ang dami niyang naituturong tips sa akin. For my first project, kasama ko pa si Regine giving me all the lessons that I need to learn, napapadali para sa akin ang pag-arte.”

BEST FRIEND NG DIVA. Kahit sa totoong buhay ay pareho silang kilala ni Regine bilang dalawa sa pinakamahuhusay na singers sa bansa, dito sa Diva ay hindi raw marunong kumanta si Jaya.

“Naku hindi, ako ang manager ni Regine dito. Ako ang naka-discover sa kanya after a night na nag-audition siya sa comedy bar na pinagtatrabahuan ko. Nakipag-friendship ako agad sa kanya kasi kawawa siya. So, nahabag ako sa kanya. Mabait naman ang role ko, pero aawayin ko lahat ng mang-aapi sa alaga ko,” paglalarawan ni Jaya sa kanyang role bilang Barbra, ang best friend ni Sampaguita (Regine).

So, ano ang challenge ng role niya sa Diva?

“Challenge? Wala kasi akong talent dito. Ang tanging pinagkakatiwalaan ko sa boses, e, si Regine. Gagawin ko ang lahat para mapasikat ko siya,” sagot ng singer turned actress.

Masayang-masaya nga raw siya na napasama siya sa Diva.

“Happy siyempre. Kasi sino ba naman ang mag-aakalang I will be able to do a soap? Si Regine siyempre ang nag-recommend sa akin at tatanawin ko ‘yan na habambuhay na utang na loob. She’s the first person that gave me the opportunity.”

Kakarerin na ba niya ang paggawa ng soap?

“Sana mapansin. Sana mapansin nila. Ayoko rin naman na ma-stuck ako sa comedy lang. I think this also has a lot of drama on it’s own,” sabi niya.

Dahil ito ang kauna-unahan niyang soap opera, nanibago raw si Jaya sa schedule kumpara sa nakasanayan na niyang schedule sa mga variety at game shows.

“Well, ano lang, extra lang ang oras…maraming extra hours na gising ka.  Sa akin, so far, not so bad. Nakekeri ko pa siya,” sabi ni Jaya.

Sam Milby is aware that ex-girlfriend Anne Curtis is exclusively dating a non-showbiz guy

samMay ginagawang pelikula ngayon ang actor-singer na si Sam Milby kasama ang kanyang ex-girlfriend na si Anne Curtis, ito ay ang Babe I Love You para sa Star Cinema at Viva Films.
First time na magsasama at magkakapareha nina Sam at Anne sa pelikula.

Kuwento ni Sam, “We’re shooting every day kasi may playdate na kami. April 3 ang showing ng movie namin which is Black Saturday. The last three weeks, it’s been pretty hectic na napupuyat ako. Pero I’m really enjoying it naman. Ang ganda ng story.”

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Sam last February 21 sa event ng Dermablend, kung saan isa si Sam sa mga endorser. Ang event ay ginanap sa Hypermarket sa Quezon Avenue.

May kissing scene ba sila ni Anne sa peikula?

“Ano sa tingin ninyo?”natatawang balik-itanong ni Sam sa PEP. “Meron naman. Siyempre meron.”

Madalas ngayong nagkikita sina Sam at Anne dahil sa pelikulang ginagawa nila. Hindi kaya nanunumbalik ang feelings ni Sam kay Anne?

“Sometimes you know when we’re on the set, parang bumabalik yung mga dating…parang…nami-miss ko na parang you know we’re being kulit,” pautal-utal na sagot ni Sam.

Dagdag niya, “You know kasi she was… I mean I’ve been single since then. So a lot of times when you’re, you know, still single, you remember whatever happened in your last relationship. You know what I mean? So parang it reminds me of the good times that we had when we’re together.”

May balitang may dini-date daw ngayon si Anne na isang non-showbiz guy. Matagal na raw naman itong alam ni Sam.

“They’ve been friends for a long time,” sabi niya. “The same guy that she dated last year, exclusively dating. She admitted she’s exclusively dating. I don’t know really about her personal life so much. I mean if she’s dating somebody, I didn’t ask her. But ako, if she’s dating him again and they’re together and if she’s happy, then I’m happy for her.”

Hindi ba naman siya nakakaramdam ng selos?

“After we broke up, I heard them dating, medyo ano…nagseselos ako. But that was long time ago,” sagot ni Sam.

Nabalita rin noon na may silent war sila ni Anne. How true?

“Not true,” tanggi ni Sam. “If you guys wanna come to the set and see how we are, you’ll see na talagang were happy, we’re very makulit pa rin. You know, we’re enjoying doing the movie, we’re friends, and we’re just having fun doing the movie. You come to the set, you’ll see naman.”

Sa tingin ba niya may posibilidad pa na magkabalikan sila ni Anne?

“Kasi ako, you can’t plan what’s gonna happen. You don’t know what’s gonna happen. Ako, like I said, my doors are open. If something ever happens, you know… I believe in destiny. I believe if you’re really meant for each other, you’ll be together,” saad ni Sam.

Phillip Salvador acquitted from estafa case filed against him by ex-lover

philip

Ang February 10, 2010 ang isa sa pinakamasayang araw sa buhay ng aktor na si Phillip Salvador dahil sa isang magandang balita na natanggap niya noong araw na yun. Ito ay ang pagpabor ng korte sa kanyang apela na i-dismiss ang estafa case na isinampa ng businesswoman na si Cristina Decena laban sa kanya.

Nagkaroon ng relasyon sina Phillip at Cristina, pero hindi naging maganda ang kanilang paghihiwalay.

Nasaktan si Cristina nang malaman nito na nagpakasal si Phillip kay Emma Karen Ledesma sa U.S. dahil wala raw silang formal breakup.

Nagpatawag si Cristina ng presscon at dito niya sinabi na malaki ang utang sa kanya ni Phillip. Para patunayan na totoo ang kanyang akusasyon, sinampahan ni Cristina ng estafa si Phillip. At noon ngang April 2006, napatunayan ng Las Piñas City Trial Court na guilty ang aktor kaya hinatulan ito ng dalawampung taon (20 years) na pagkakakulong.

Dinala ni Phillip sa Court of Appeals ang kanyang kaso at kahapon, February 18, kinumpirma niya na ni-reverse ng korte ang desisyon.

Paulit-ulit na sinabi ni Phillip na talagang mabait ang Diyos dahil sa pagpapawalang-sala sa kanya ng korte.

“This is to certify that on February 11, 2010, a decision resolution rendered in the above-entitled case was filed in this office, the dispositive part of which reads as follows, ‘Wherefore, premises considered, the appealed decision of Branch 202 of the RTC of Las Piñas dated April 21, 2006 is hereby reversed and set aside and accused-appelant Phillip R. Salvador is “ACQUITTED” of the crime of ESTAFA… SO ORDERED and the same has on 11 February 2010 become final and executory and is hereby recorded in the book of entries of judgments.”

Sinubukan ng PEP na kunin ang panig ni Cristina tungkol sa tagumpay ni Phillip, pero ayon sa isang malapit sa kanya, walang balak na magsalita ang businesswoman.

Sa interview ng PEP kay Cristina noong September 4, 2008, nagsalita siya na pinatatawad na niya si Phillip.

Iza Calzado welcomes “wholesome” change after playing a mature role in her last soap

iza

Proud si Iza Calzado na matapos niyang makasama bilang leading lady ni Senator Bong Revilla sa Ang Panday, ang topgrosser ng 2009 Metro Manila Film Festival, ay kasama na naman siya sa spin-off nito sa TV na Panday Kids, na mapapanood na simula sa Lunes, February 22, sa GMA Telebabad.

“I’m actually quite honored that from all the cast members, kami ni Buboy [Villar] ay napasama pa rin dito sa Panday Kids. I’m playing a special role in a way dahil I don’t know if it’s going to be a regular role,” sambit ni Iza nang ma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa grand press launch ng Panday Kids noong February 16 sa Studio 5 ng GMA Network Center.

Gusto ring ipaalam ni Iza na ang role niyang Maria sa pelikula at Maria Makiling naman sa TV ay iisa lamang at hindi magkaiba.

“Alam ko namang tatanungin n’yo ito. Actually, hindi siya iba kasi iisa lang siya, si Maria Makiling. Kaya pumayag ako when it was offered to me kasi it just makes sense, I am playing the same role. Iba lang ang treatment dito sa TV. Dito kasi mas na-establish na Maria Makiling is the protector of nature. Ipinapakita niya yung powers niya,” paliwanag niya.

Sa movie kasi ay hindi naipakita ang background ng character ni Iza kaya natural lang na isipin ng mga tao na magkaiba ang ginagampanan niya sa movie at TV. Ano ang reaksiyon niya rito?

“That’s why we keep on saying before na she’s a mystical character. She wasn’t a princess. She actually has powers. She knew that Panday was the chosen one. Hindi masyadong na-establish yun sa movie. If you remember, kaya siya gustong pakasalan ni Lizardo [Ang Panday's main villain] because of her powers. Gusto ni Lizardo na lumakas pa siya. Siguro sa Part 2 ng Ang Panday ie-establish siya or something para mas makikilala na ng mga tao si Maria,” saad ni Iza.

Ano ang mae-expect ng mga manonood sa kanya sa TV series?

“Hopefully, magkaroon ako ng fight scenes. Pero hindi pa ako sure kasi like I said, I don’t know yet if it’s a regular character. As of now, we have yet to make certain kung talagang dito ako. Kasi in the beginning I was contacted for a special role. Pero yun nga, I don’t if my role will get bigger or not.”

Dahil ba baka may ibang engkatanda role na naghihintay sa kanya sa muling pagbabalik ng Encantadia?

“Posible rin yun, di ba?” nakangiting sabi ni Iza. “But I think whatever it is, I’m just happy to be part of this. It’s such a wholesome show. Siyempre, ako coming from an afternoon slot [Sine Novela Presents Kaya Kong Abutin Ang Langit] of GMA with a much mature theme, it’s good to be in a wholesome show naman. At saka iba talaga yung TV sa movie. Mas marami kasing batang nakakapanood sa TV dahil it’s free, di ba?”

John Lloyd Cruz and Shaina Magdayao spotted shopping together

sj

Mula sa isang PEPster, na nagpakilala sa PEPster I.D. na “shyspy,” ay nakatanggap ang PEP (Philippine Entertainment Portal) ng dalawang litratong nagpapakita kina Shaina Magdayao at John Lloyd Cruz na magkasama.

Ayon sa PEPster, nakunan ang litrato noong Sabadong nakaraan, Pebrero 6, sa isang bike store sa Makati City. Bumibili raw ng bicycle parts si John Lloyd noon. Si Shaina naman ay mukhang sinamahan lang ang aktor sapagkat wala namang nakitang binibili ito.

Nagpakuha pa ng litrato sina Shaina at Lloydie kasama ang isang fan (inset). Tinanggal lang ni shyspy ang fan sa litrato dahil private person daw ito at baka mas shy pa ito kay shyspy.

Ayon kay shyspy, nakuha niya ang mga litrato mula sa isang “superclose friend” niya, na nagkataong naroon din sa bike store at siya mismong nag-click ng camera. Sa aming pananaliksik, ang bike store ay ang Sabak Sports and Adventure Store.

Judy Ann Santos “deeply hurt” by Sen. Jamby Madrigal’s statement that she regrets getting the actress as an endorser

judayJudy Ann Santos initially does not want to comment on the recent statement made by Senator Maria Ana Consuelo “Jamby” Madrigal about the use of actors in election campaigns.

The sole lady presidential aspirant in the May 2010 elections was caught saying at a forum held recently that: “The use of actors—you had to pay P30 million to endorse you—is an insult to the Filipino intelligence.”

Sen. Madrigal also expressed her regret of getting a celebrity endorser—referring to Judy Ann—during her senatorial campaign in 2004. The senator said, “I have seen the folly of my ways… I will not repeat it because I do not believe you [must] repeat a mistake. But I also don’t believe you should perpetuate lies that are perpetuated by a big budget.”

Judy Ann was hesitant to react to these statements made by Sen. Madrigal because she did not hear it personally. However, to make things clear, the 31-year-old actress related her feelings about the issue during the media conference of her Lactacyd endorsement yesterday, February 15, at Annabel’s restaurant on Tomas Morato, Quezon City.

“I was hurt. I was deeply hurt,” she admitted. “Honestly, in my opinion, sa sinabi niyang mga words na she regrets getting my services… Of course, hindi naman po ako manhid para hindi masaktan dahil buong  paniniwala ko she got my services because she actually believed in me and it was a sincere offer.”

Judy Ann added, “And I think on my behalf, ang masasabi ko lang po talaga ngayon, ‘Okay, ‘yon ang opinyon niya, e.’ Hindi ko po haharangin or hindi po ako makikipag-away, or hindi ko sasagutin ito nang parang wala akong utang ng loob. Edukada po akong tao.”

Judy Ann also recalled the campaign rallies she attended for the senator. “For whatever it’s worth, siguro naman po, sa bawat probinsiyang pinuntahan namin, may lima o tatlong tao akong nakumbinsing iboto siya. Kung nakatulong man ako o hindi sa kampanya niya, hindi ko naman po aangkinin lahat. Siguro nga, baka hindi.”

The actress also related that it was her talent manager Alfie Lorenzo who talked to Sen. Madrigal’s camp about the endorsement. “Before she campaigned for the senatorial run, I already did an infomercial with her. From there, I thought that it’s okay and magkaibigan naman kami and magkapartido naman sila ni Tatay Ron [the late Fernando Poe, Jr.].”

Kaye Abad on her relationship with Chito Miranda: “Happy naman kami na ganito…na pagiging dalaga at binata.”

kaye

Malaki ang pasasalamat ni Kaye Abad sa Precious Hearts Romances series dahil nabigyan ng second wind ang kanyang showbiz career. May ilang taon din siyang namahinga, pero ngayon ay sunud-sunod na ulit ang projects na ginagawa niya sa ABS-CBN.

Kaye is now part of the new primetime series Rubi. Bagamat halos hindi nagkakalayo ang age nila ni Angelica Panganiban, who plays the title character, gaganap siya bilang tita ni Angel sa teleseryeng ito. Wala naman daw problema kay Kaye ito.

“Kapatid ko kasi si Ms. Cherry Pie Picache dito at si Ms. Pie, anak niya si Angel kaya tita-titahan ako ni Angel. Pero Ate lang naman ang tawag niya sa akin at hindi Tita!” natatawang kuwento niya sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Dugtong pa ni Kaye, “At bilang maliit ako kay Angel, effort talaga na dapat mas mukhang mas matanda ako kay Angel. Magmumukha talaga akong tita ni Angel at challenge [ito] dahil si Ms. Pie, kasama mo, and si Angel, magaling din na artista.”

Mabait daw ang character niya sa serye kaya sabi namin sa kanya, parang walang pinagkaiba sa mga roles niya during Tabing Ilog days.

“Hindi naman!” natatawa sagot ni Kaye. “Challenge pa rin siya bilang si Angel nga ay bida-kontrabida rito. So, ako yung parang konsiyensiya niya. At saka natutuwa ako na nabigyan ako ng ganitong klase ng series. Na-practice akong muli sa mga Precious Hearts na pinagdaanan ko.

“And this time, kumbaga, na-prepare ako ulit for this. Primetime ulit, so yun. At saka dalawa ang partner ko rito—sina Wowie de Guzman at James Blanco. Naman, hindi ako papatalo kay Rubi!” biro pa niya.

Lea Salonga adds the musical Cats to her resume

leaFor the first time ay ii-stage sa Pilipinas ang isa sa longest-running hit Broadway musical ni Andrew Lloyd Webber na Cats. Ito ay magaganap simula sa July 24, 2010 sa CCP Tanghalang Nicanor Abelardo. At isang karangalan para sa international Filipino star na si Lea Salonga ang gumanap bilang isa sa mga bida ng naturang musical.

PLAYING GRIZABELLA. Gagampanan ni Lea ang papel na Grizabella sa Cats. Ang mga kilalang theater actresses na gumanap na sa role na ito ay sila Elaine Paige (at London’s West End in 1982) at Betty Buckley (on Broadway in 1982).


Kaya nang makapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Lea sa press junket para sa Cats sa Dusit Thani Hotel in Makati City last February 8, sinabi niyang natutuwa siya dahil makakasama na siya sa listahan ng mga mahuhusay na stage actresses na naging bahagi ng naturang musical.

“Playing Grizabella for the first time is like a dream!” sambit ni Lea. “It’s the first time that Cats will be staged in Manila and I am so privileged to be in its cast. I have a few months to prepare for the musical. The role of Grizabella requires not much on the dancing part but it is still physically demanding.

“Grizabella is a former Glamour Cat who wants to be accepted again by her tribe. At a very young age, Grizabella left her tribe to find her place in the outside world. Because of her ambition, she experienced the harshness of the outside world. She wants to be be accepted again by her own kind.

“It’s really mostly acting but there will also be a few dancing and running around the stage with these heavy costumes. But most of all, it’s all about music and I’m preparing my vocal chords as well,” saad pa ng international star.

Masasabi nga ni Lea na ang pagganap bilang Grizabella ang isa sa pinaka-challenging role na kanyang gagampanan sa kanyang career.

“In every role that’s given to me, I make sure that I give it my all,” sabi ni Lea. “It’s first and foremost a job and these producers are paying us actors to do a good job. For me, it’s not just a job but it’s also something that I am passionate about. That’s why I do not just put in what I’ve learned from acting and singing on stage for so many years, I also put in my heart and soul. And if I believe that I gave a good performance, then the people watching will believe it as well.”

Nakilala si Lea sa buong mundo dahil sa kanyang natatanging pagganap bilang Kim sa Miss Saigon in 1989. Nasundan ito ng pagganap niya ng iba’t ibang characters tulad nina Eponine and Fantine in Les Miserables; Sandy in Grease; Sonia Walks in They’re Playing Our Song; The Witch in Into The Woods; Mei Li in The Flower Drum Song; Lizzie in Baby; and as Cinderella in musical Cinderella.