Masayang-masaya si Bayani Agbayani nang makausap ng iGMA sa press launch ng First Time kamakailan. Mula nang maging Kapuso muli, tatlong bagong shows ang mapapanood na kasama si Bayani ngayong Pebrero.
Sabay nagsimula ang morning show na Diz Iz It! at ang prime time show na First Time noong February 8. Magsisimula naman sa Huwebes ng gabi ang SRO Cinemaserye presents: Meet The Fathers, kung saan kasama ang batikang aktor na si Christopher de Leon.
Kaya naman very thankful si Bayani sa mga ibinigay na opportunities sa kanya ng GMA. Dapat kasama rin si Bayani sa show kung saan nandoon ang idol niyang si Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao.
Currently, the time slot of “Sis” was replaced with the showing of Pilipino blockbuster movies after it went off to air.





