Dapat sana ay magiging kontrabida ni Ella Cruz sa Anna Liza ng ABS-CBN si Barbie Forteza.
Pero na-shelve ang project at napunta sa GMA-7 si Barbie at bida na siya ngayon sa top-rating series na First Time. Ang dapat na bida na si Ella naman ang gaganap ngayon na kontrabida sa telefantasya ng Kapuso network na Panday Kids.
Ang Panday Kids ang unang show ni Ella (Gabriella Annjane Cruz in real life) sa bakuran ulit ng GMA-7 kung saan siya unang nakilala.





