Hindi pa rin makapaniwala si Frencheska Farr sa big break na dumating sa kanya na maging lead role ng Emir, isang original full-length movie musical na nilikha at nasa direksiyon ni Chito Roño.
“Pag pinag-isipan po, talagang nakakatuwa po kasi po bihira yung mabigyan ng ganito kalaking break lalo na po bago lang ako,” bulalas ng GMA Artist Center talent.
“Nagugulat nga po ako e,” sabi ng namamanghang Frencheska sa pocket presscon na ipinatawag para sa kanya ng GMAAC kamakailan. “Minsan po hindi pa rin namin ma-absorb ng pamilya ko kasi sobrang bilis po ng mga pangyayari.” (more…)





