
Tila nag-alala raw si Mark Herras sa StarStruck V avenger na si Nina Kodaka na nagdamdam umano nang matanggal sa reality based artista search ng GMA 7.
Sa panayam ni entertainment reporter Nelson Canlas, sinabi ni Mark na siya man ay nakaramdam noon ng kaba nang piliin ang Final 14 during his batch ng StarStruck.
“Naramdaman ko yun bago mag-Final 14 ‘di ba? Kasi nagkaroon ng problema, sa set namin 13 lang ang natawag, so kulang ng isang lalaki,” kuwento ni Mark.
Payo ni Mark, hindi dapat ma-discourage si Nina ngayong wala na siya sa kompetisyon dahil hindi naman ito mangangahulugan na katapusan ng kanyang pangarap.
“Hindi naman yun porke natanggal ka hindi ka na deserving na maging StarStruck o maging artista,” ayon sa binata sabay habol na mas marami pang roles na puwedeng gampanan si Nina.
Sa ngayon, pahinga raw muna sa mga drama si Mark dahil sasabak muna siya sa comedy para sa bagong soap ng Kapuso na Diva kung saan kasama niya si Regine Velasquez.
Five years ago na raw nang huling magkasama sa trabaho ang tinaguriang “Asia’s Song Bird” at ang “Bad Boy of the Dance Floor.”
“Working with ate Regine is talagang alam mo ‘yon, makulit si Ate Regine sa set. At the same time yung role role ko (sa Diva) kapatid ni Ate Regine. Ganito rin ang role ko sa Forever in my Heart,” kwento niya. – Fidel Jimenez,



Currently, the time slot of “Sis” was replaced with the showing of Pilipino blockbuster movies after it went off to air.

Misty-eyed ang ilan sa entertainment press na dumalo sa presscon para sa grand champion ng “Birit Baby 2009″ ng Eat Bulaga! na si Jude Matthew “JM” Servilla kagabi, October 28, sa Imperial Palace Suites. Ipinakita kasi ang video clip noong grand finals ng “Birit Baby 2009″ held two Saturdays ago sa Eat Bulaga!, kung saan nakipag-compete si JM sa iba pang finalists.
Nagkaroon ng pagkakataon ang PEP (Philippine Entertainment Portal) na makapanayam si Rhian Ramos sa isang event kamakailan. Masaya ang aura ng young actress. Elegante itong tingnan that night sa black long dress na likha ng designer na si Pepsi Herrera. Medyo na-late nga lang ng dating si Rhian at nakauwi na ang ibang mga bisita.
Almost 18 years ang naging serbisyo ni Perry Lansigan sa GMA-7. He can be considered a “celebrity” na rin, being the manager of some of Kapuso network’s prime talents, like Dingdong Dantes, Geoff Eigenmann and Jolina Magdangal, among others.




