
Nagkaroon ng pagkakataon ang PEP (Philippine Entertainment Portal) na makausap ang Megastar na si Sharon Cuneta sa Imperial Palace Suites kagabi, February 3, ilang oras bago siya lumipad patungong Japan kasama ang buo niyang pamilya para magbakasyon. Si Sharon kasi ang nag-induct ng bagong officers ng Entertainment Press Society o Enpress, isang grupo ng entertainment writers.
Tungkol sa pagbabakasyon nila sa Japan, sinabi ng Megastar na gusto raw kasi niyang ma-experience at makita ng kanyang mga anak ang snow.
“We’ll go mostly sa Northern ng Japan,” banggit niya. “All my children are leaving except for my little boy, kasi his papers are not yet finished. No passport pa. And then may niece Ella, daughter of Anthony and Maricel Pangilinan. And then, siyempre all my children, kasama si Kace [KC Concepcion] and two yaya.”
Ang tinutukoy na “little boy” ni Sharon ay ang ampon nila ng kanyang mister na si Senator Kiko Pangilinan.
Panliligaw ba sa kanyang muli ni Kiko ang pagpunta nila sa Japan?
“Hindi! Actually, gift ko sa kanya makapunta lang. Ayoko nang istorbohin ang budget! Talagang, ‘Sige na sweetheart!’” natatawang sabi ni Sharon
SHARON’S “LITTLE BOY.” Going back to her “little boy,” masasabing daig pa halos ni Sharon ang nanganak muli. Nanay na nanay nga siya kapag ang tungkol na sa adopted son niyang si Miguel, o Migs kung tawagin nila, ang usapan.
“Wonderful! I am so in love with him! Parang lumabas talaga sa akin. Sa kanya lang ako hindi tumaba!” natatawang biro niya. “Tapos, he’s smiling all the time now. He’s three months old. Yung focus niya, grabe, ganyan siya. At kapag kinakausap mo, humahalakhak.”
Sabi pa ni Sharon, naka-adjust na raw ang lahat ng kanyang mga anak—KC, Frankie, at Miel—sa kanilang new brother.
“Actually, from the beginning pa, sila yung mas excited. So, I was very thankful talaga.”
Hands-on din ba si Sharon sa kanyang baby boy?
“Oo,” mabilis niyang sagot. “Pero siyempre, we’re working. We tried to get him breastmilk from several choices na kilala, lately yung best friend ni Judy Ann [Santos]… We’re very grateful. Parang ginto sa amin.”
Katabi raw matulog ng dalawang girls niya na sina Frankie at Miel si Migs.
“They sleep in his room. His room is KC’s old room. So, inayos namin. Talagang nag-aagawan sila. Si Kace naman, she’s big ate. Siyempre, I had to ask her muna when we had him on the first day. Tinanong ko siya, ‘There’s a baby that I really like…’ Siya yung nagsabi na, ‘Mama, please keep him,’” kuwento ni Sharon.
Ayon pa kay Sharon, kamukha raw ni Migs sina Coco Martin at Sid Lucero.
“Actually, yun ang tipo niya, tisoy. Parang Pinoy na tsinito na maputi,”
pagmamalaki ni Sharon.

Sa isang interview kay Mega Star Sharon Cuneta sa The Buzz,inamin nya na apektado pa rin siya ng umano’y di makatarungang paghahati-hati ng mana ng kanyang yumaong ama na si former Pasay City Mayor Pablo Cuneta.Saad nya, “Hanggang ngayon galit ako, masakit ang kalooban ko,” simula ni Sharon. “May kinikita naman ako, eh ang mommy ko hindi naman nagbago ang lifestyle. Pero marami akong kapatid na dini-deserve sana nila ‘yung I’m sure inipon at pinaghirapan ng tatay ko para sa aming lahat. Ang nangyari iba ang yumaman.”
Sharon Cuneta is the one and only “Megastar”. She is a brilliant singer, excellent television host and award-winning actress. She had a series of shows in the US and the first one is in Las Vegas, Nevada.


I dreamed of something like this a long time ago. Sharon Cuneta was then 18 years old and beautifully pregnant with the baby who would grow up to be the gorgeous KC Concepcion. I thought then, wouldn’t it be nice if the still to be Megastar would be able to record an album of lullabies?
As early as now, politicos have been announcing their plans to run for public office in the coming 2010 National Elections. One man that has been consistently asked about his 2010 plans is Senator Francis “Kiko” Pangilinan. At the April 27 press conference of her movie Best Friends Forever, Senator Kiko’s wife, Sharon Cuneta was asked if the Senator would be running for Vice President in the coming election. “Yes. It makes me very scared and excited at the same time,” the Megastar confirmed.
The preparations for the most awaited wedding of Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo are already on its final stage, the celebrity couple’s spiritual adviser confirmed Thursday.
